Feb 19, 2010

Valentine's Day?

Maaaring natanong mo na sa sarili mo kung bakit t’wing pebrero ginaganap ang Valentine’s day?

Maraming iba’t ibang theories patungkol sa origin ng Valentine’s Day pero ang pinakapopular na istorya patungkol dito ay noong panahon ng Roman Empire sa paghahari ni Claudius II, 270 A.D. Hindi sangayon si Claudius II sa pag-aasawa ng mga kalalakihan bagamat naniniwala s’ya na ang mga kalalakiha’y ginawa upang maging soldiers. Sumalungat si Bishop Valentine kay Claudius II at sumagawa s’ya ng mga lihim na pagpapakasal. Kinalaunan, nalaman din ito ni Claudius at pinakulong si Valentine noong Pebrero 14. At dyan na nga siguro nagsimula ang lahat.

Ano naman ang kinalaman ni Cupid sa Valentine’s? Alam mo ba na si Cupid ay anak ni Venus, the Roman God of Love?

Cupid has always played a big role in celebrations of Valentine’s day. S’ya ay kilala bilang malikot na bata na may pakpak na s’yang pumapana sa mga puso ng kanyang mga biktima na maiinlove sa bawat isa. In ancient Greece, sya ay kilala bilang Eros na anak ni Aphrodite, the Goddess of Love and Beauty. Sa mga Romans, s’ya si Kupido (Cupid) na anak ni Venus.

Sa Columbia, t’wing September cinecelebrate ang Valentine’s Day. Sa Brazil, ito’y mas kilala bilang “The Day of Enamored” at ginaganap t’wing June 12 at sa Israel naman ito’y ginaganap t’wing late summer.

Ngayon at papalapit na ang Valentine’s Day, maaaring nagiisip ka na ng gimik para sa partner mo, sa gusto mong ligawan o sa crush mo. Ibabahagi ko na lang ang nabasa ko sa email. Maaring nabasa mo na ‘to or hindi pa. Kung nabasa mo na, basahin mo na lang ulit. (Note: hindi ako ang nagsulat ng mga nabanggit sa ibaba)

1. Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box—yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya.

Later during the day, pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na “Omega 8.” Pag tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: “because you’re good for my heart.”

2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isulat mo: “I miss hanging out with you.”

3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, “Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.”

4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung “with Omega 8.” Hindi na siya magtatanong kung bakit.

5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo, “natunaw na kakatitig sa’yo.”

6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: “Walang kulay ang buhay kung wala ka..”

7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit. (para sa mga hindi maka-“gets”, kapag tinanong ka, ang sagot mo ay, “sapagkat, ikaw lamang ang tanging ilaw at liwanag sa buhay ko”, o kaya naman ay, “you light up my life”…

8. I-text mo siya ng: “Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!”

9. Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo “para pag nagkabanggaan ang puso natin.”

10. Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: “Ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa’kin..”

11. Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: “aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko”

12. Pagatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, Guitar brand. unahan ang kanyang galit at sabihin, “ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay, match na tayo”

13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng “salbabida”, wag payong, o mainit na mami. Pag nagtanong bakit? ang isagot mo ay ” ayaw kong malunod ka sa pag mamahal ko.”

14. Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na “don’t leave your valuables unattended”

Kung meron ka pang gustong idagdag, dagdag mo na lang sa comments.

Spread love everywhere you go.” – Mother Theresa

0 comments:

Post a Comment

 
;