Naliligaw ako.
Hindi ko kasi alam kung saan ako pupunta. Saan ba ako dapat pumunta? Mahirap pala magdesisyon lalo na’t ayaw mo ito pagsisihan sa huli.
Saan ba ito patungkol? Patungkol ito sa trabaho. Trabaho. Trabaho.
A friend of mine said “Consider where you’ll be happy. At the end of the day, you alone will suffer whatever consequences your decision might brought you. If you are considering your personal growth, then go for it. No amount of money can ever replace the growth and experience you will have.” – R. Salvador
Hangga’t maaari ayaw ko maging pera ang maging dahilan ng pagtanggap ko sa isang trabaho. Gusto ko yung trabaho na magagamit ko ang mga pinag-aralan ko at maging kapaki-kapakinabang. Ika nga, career growth over compensation. I believe na kasabay ng career growth darating din yung compensation. Sabi nga ng nanay ko, bata pa ako (Yes! wag ka na kumontra) kaya experience na muna ang habulin ko at ang development ko na s’yang magiging pundasyon patungong next level (aka advancement) bago ko habulin ang sweldo.
Ano’ng tanong mo? Masaya ba ako dito? Yes. Masaya ako. Pero sasaya din ba ako dun? Di ko alam. Hindi ba ako mag-grogrow dun? Mas mag-grogrow ako dito. Pero kung stability ng work ang pag-uusapan. Mas pipiliin ko na dun sa kabila. Benefits na rin, nandun na sa kabila. Na s’yang nagpapagulo sa utak ko. Nalito na ang utak ko o nililito ko lang ang utak ko?
Sign ba kamo? Nanghingi na rin ako kay Lord nun.
Weigh your priorities & think of your long term goals sabi nga nila. Ano ba ang mas mahalaga sakin?Ako lang ang makakasagot nyan. Look at it against my long term goals? Define ko muna long term goals ko? Mag aaral ba ako? Mag study to upgrade myself more? Sa tingin ko saan ako magiging masaya? Saan ako mag grogrow more?
Sabi nila it would also be good to be exposed sa ibang companies. It would broaden my perspectives and i t would strengthen my knowledge base. Sabi nga nila
You are the best product that you could leverage for your future.
Lilipat ba ako? Sayang din ang oppurtunity?
Note: Isinulat lang para ilabas ang saloobin. Isinulat lang para makapag-isip.
EDIT:
“Choose a job you love and you’ll never have to work a day in your life.” – Confucius
Nakapag-decide na ako. I believe may tamang time para sa lahat. Kung ano man ang maging desisyon ko, alam kong hindi ko ito pagsisisihan. Sa wakas! Thank you Lord.
For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. Jeremiah 29:11

0 comments:
Post a Comment