May 19, 2010

Movie Review: I Not Stupid Too (2006)

I Not Stupid Too talaga ang pamagat niya — kaya wag ka na magtanong. It’s a Singaporean film that portrays the lives, adventures and struggles of three Singaporean youth. Yung tatlong yun, they have strained relationships with their parents.

The movie was great! It’s almost 2 hours and 30minutes. It portrays poor parent-child communication. Panoorin ang isang porsyon ng movie sa baba.



1 2 3 4 5 6 7

(**spoiler alert**)
Ang istorya nito ay umiikot sa dalawang magkaibang pamilya. Ang una ay isang hardworking na mga magulang na kayang punan ang mga materyal na pangangailangan ng kanilang dalawang anak. Pero they feel neglected dahil never silang binigyang-puri ng kanilang mga magulang at wala rin itong tamang oras para sa kanila. Ang alam lang ng kanyang magulang ay sisihin ang mga ito’t pagalitan at di man lang matingnan ang good sides nila. At yung isang pamilya naman ay may mahirap na katayuan sa buhay. Pero when was the last time he praised his son? since he was 2. 2 years of age.

In every child, there’s an angel and a devil. Seek out the angel, and the best qualities will surface. – INST

Maraming isyu ang tinalakay sa movie na ito. Mga isyung dapat bang parusahan ang isang istudyanteng nagkasala by caning him in public? Matututunan ba ng mga estyudanteng nakasaksi dito ang leksyon sa pamamagitan ng pagsaksi dito? Dapat bang sisihin ang magulang sa behavior ng anak niya? O ito ba’y dapat maging responsibilidad ng eskwelahan? Paano dapat palakihin ng isang busy na magulang ang kanyang anak?

This is a good movie that made me think of my role to the society. Maraming issues sa movie na s’yang tinatalakay ngayon. This movie is a must-see. Ang mensahe ng movie ay para sa lahat — sa magulang, sa anak, sa kapatid, sa guro, sa estudyante, sa kaibigan, sa kaeskwela, sa’yo. Ito’y patungkol sa kung gaano makakaapekto ang isang simpleng papuri sa buhay ng isang tao.

0 comments:

Post a Comment

 
;